Sabado, Pebrero 18, 2017

REPORTAGE


Arts For Human Rights


Wala na sa takdang oras nang dumating ang mga estudyante ng Calyan Educational Foundation,Inc. sa isang tent sa isang basketball court. Maririnig ang reklamo ng karamihan: Dito na ‘yun? at “Ang init!”
Sa kasagsagan ng pagpupunas ng pawis at pagpapaypay ng iba ay nagsalita ang isang babae na nandun sa unahan. Aniya lilipat raw ang lahat sa loob ng mall, doon raw sa Event Center.
Kanya-kanyang buhat ng bangko ang mga estudyante patungo sa kahulihang palapag ng Pacific Mall. Sa Event Center nilapag ang mga bangko, inayos ito ng ilan at ang iba pa ay kanya-kanyang bumili sa mga stalls ng pagkain sa tabi ng Event Center.
Umupo ang mga estudyante habang abala ang mga taong nasa unahan. Inaayos ang dapat ayusin. Sa kanang parte o bahagi ng Event Center ay nilatagan nila ng dyaryo at pinatungan ito ng telang puti.
Nagsalita muli ang babaeng nagsalita noong ua, nang biglang pumutok ang isa sa mga saksakan doon, dahilan upang masira ang projector na naksaksak. Sabi niya, habang wala pa ang projector ay mayroon munang babae ang magsasalita upang ipakilala ang kanyang grupong kinabibilangan. Ito raw ay si Maria Victoria Lavado.
Ipinasa kay Lavado ang mikropono at nagsimula siyang umimik. Mayroon siyang sinabi tungkol sa isang samahan na kanyang kinabibilangan, ito ay ang Tanggol Kapayapaan. Ito raw ay isang Piece Monitoring Community.
Mayroon ring nabanggit si Victoria tungkol naman sa Cease fire. Ayon sa kanya ang Cease Fire raw ay tigil-putukan at ito raw ay nangyayari sa pagitan ng dalawang nagtutunggaling pwersa. Ibinigay niyang halimbawa nito ay ang Gobyerno ng bansa laban sa mga rebelde.
Tinapos niya ang kanyang mahabang pagsasalita sa panghihikayat sa mga estudyante na makilahok sa kanilang samahan.
Pagkatapos ng ilan pang pag papasa pasa ng mikropono ay napun ng sigawan ang mga estudyante nang mag-tila talent show ang naganap sa unahan. May ilang kumants at nag poetry performance.
Matapos ang sandaling iyon ay mayroong ipinalabas doon, ito raw ay tungkol sa karapatang pantao. Makikita sa mga bidyo ang karahasan at ang bawat mensahe nito.
Sa panunuod ng mga estudyante ay may ilan pang dumating na kasamahan ng mga tao doon. Ngunit panandaliang pinutol ang pagtitipon para sa pananghalian at napagkasunduang babalik ang lahat pagsapit ng ala una ng hapon.
Sa pagbalik ng mga estudyante ay mayroon ng mga larawanf nakapinta o iginuhit ng mga taong bagong dating pa lamang. Nakalagay sa ilang larawan doon ay ang mga mukha ng nais mapalaya ng grupo ito raw ay ang ilang bilanggung pulitikal sa Probinsyang Quezon.
Sa pagpapatuloy ng programa ay mayroong ipinanood sa mga estudyante na pinamagatang “ Barber’s Tale” na tumatalakay umano sa buhay ng isang babae sa panahon ng Diktadorya. Sa patuloy na panunuod ay may ilang tao na naglalakad ang napapatigil at napapatingin.
Matapos ang pelikula ay nagsimula na muling magsalita ang ilang tao doon. Mayroon pang ipinakilala upang ipakilala ang isang grupong nag ngagalang Bahaghari
Sa patuloy na pag-agos ng oras at ng programa ay tuloy din ang pagpinta ng ilang artist sa telang puti sa sahig. At inihanda narin ang mga kandila para sa pagtatapos na candle lighting na gaganapin raw sa labas ng mall.
Ilang tao pa ang nagsalita bago tuluyang bigyan ng kandila ang bawat isa at tuluyang lumabas ng mall.
At doon ang programang Arts for Human Rights ay natatapos.

TAKLUB


Taklub (an)


Nagmamadaling nagsitakbuhan ang mga tao sa dagat upang kumuha ng tubig at ibuhos ito sa isang tent sa kasalukuyang nilalamon ng apoy. Maririnig ang mga palahaw ng pamilyang nasa loob nito, ang mga iyak ng mga bata. Nang humupa ang apoy ay agad na nagtulong-tulong ang mga tao upang ilabas ang mga bangkay at dalawa pang buhay na nakaligtas.
Hindi natin masasabing madali ang pinagdadaanan ng mga taong may problema hangga’t hindi tayo ang nakakaranas ng bigat nito.
Sa paghupa ng apoy ay kasabay niti ang pagkamatay ng mga mahal sa buhay ni Renato. Sa kabutihang palad ay humihing pa ang isang anak ni Renato, ngunit binawian din ito ng buhay. Habang nagaganap ito sa buhay ni Renato ay may ilang nagsabi na kung sila ang nasa kalagayan nito ay maaaring tapusing na nila ang kanilang buhay. Wala tayo sa lugar upanf magsabi ng mga salitang maaaring mag-udyok sa isang tao na gawin ang hindi dapat gawin. Ang mas mainam na gawin ay tulungan at kalingain ito.
Ginawa ang pelikula upang magbigay-daan sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Ito rin ay pagtuligsa ng director sa mabagal na pag-aksyon ng gobyerno. Tatlong taon nang nakalipas at hanggang ngayon ay wala pa ring matinong pabahay ang gobyerno sa mga nasalanta ng bagyo kahit na libo-libo o milyon-milyon na ang donasyong ating natanggap sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nagsimulang buhatin ng ilang kalalakihan ang krus kasunod ang ilang mga babaeng umuusal ng mga dasal, dumaan sila sa putikan ng naka-paa. At kasabay noon ay ang pag-aabot ng mga pera ng ilang mga taong kanilang madadaanan na kapwa nila biktima. Kahit na anong hirap ang pagdaanan at pinagdadaanan ng mga Pilpino ay mananatiii pa rin ang kanilang pagtutulungan kahit sa pinaka maliit na paraan.
Nasunugan ang pamilya ni Renato dahil sa paggamit nila ng “kerosene” upang magkaroon ng ilaw. Madaling kumalat ang apoy dahil sa ang kanilang bahay ay mga tent lamang. Naging mabagal ang pag-aksyon ng gobyerno upang mabigyan ng pabahay ang mga nasalanta ng bagyo. Sa maliliit na halaga ay nagtulong-tulong ang mga biktima para sa mga donasyon sa ikakaayos ng kanilang lugar.
Magulo at malikot ang kamera, pati na rin ang kwento kung hindi mo ito pagtutuunan ng pansin. Maganda ang pelikula upang bigyan ng sapat ng oras.

CRITICAL ESSAY


Sanaysay


Ayon kay Alejandro G. Abadilla ang salitang “sanaysay” ay nangangahulugang  “nakasulat na karanasan ng isang sanaysay sa pagsasalaysay.” Ang sanaysay rin ay isang panitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro. Ang sanaysay mula sa iba pang depinisyon ay isang paraan ng paglalahad ng impormasyon at damdamin sa mga makakabasa nito.
Maituturing na sanaysay ang talambuhay dahil ito ay tungkol sa buhay o sa mga piling pangyayari sa buhay ng isang tao. Ito ay hango sa mga karanasan na tinataglay ng Impormal na sanaysay. Halimbawa nito ay ang Talambuhay ni Lea Salongga na kung saan ipinakilala ang tanyag na mang-aawit at kung paano nito nakamit ang mga tagumpay niya sa buhay.  Ang isa pa ay ang talambuhay ni Manny Pacquiao na naglalaman ng mga karanasan ng manlalaro bago siya mag tagumpay.
Naging tunguhin ng sanaysay sa kasaysayan gaya na lamang noong panahon ng Kastila na kung saan sa tulong ng sanaysay ay naikalat ang mga akdang babasahin tulad ng pag-aaral ng mga wika at paliwanag ng mga prinsipyong katolisismo, ito ang naging daan sa pagtuligsa sa namamayaning gahum sa lipunan.
Nilikha ang sanaysay upang makapagpahayag ng damdamin at maging impormasyon sa mga mambabasa o tagapakinig nito. Nilikha ito upang maging daluyan ng damdamin ng mga mananaysay at mga mambabasa.
Noong panahon ng Kastila ang sanaysay ang nagsilbing makinarya sa pangangalat ng mga akdang babasahin tulad ng meditasyon, sermon, dayalogo, anekdotang moral, himno, pag-aaral ng mga wika at paliwanag ng mga prinsipyong Katolisismo , ito rin ay naging daan sa pagtuligsa sa namamayaning gahum sa lipunan. Pagkaraan ng ikalawang digmaan pandaigdig , naging papel ng sanaysay ang maging sa pagpapalaganap ng edukasyon. Yan ay ilan lamang sa mga ambag ng sanaysay sa ating kasaysayan.
Ang Pormal o maanyong sanaysay ay kinakailangang may masinsing pagoorganisa ng datos, ang malinaw, lohikal at kapanipaniwalang pagpapaliwanag at kritiko o analisis sa mga ito. Ito rin ang nagsisilbing daluyan ng pagbabahagihan ng impormasyon. Samantalang ang Impormal o personal na sanaysay ay hango sa sariling karanasan ng manunulat. Ito ay tinatawag na palagayan. Ito rin ay ang pagpapahayag ng nararamdaman at kuro-kuro ng mananaysay.
Karaniwang isinusulat ang malikhaing sanaysay dahil ang karaniwang paksa nito ay ang pagtatala sa mga tunay sa tao at pangyayari o “based on experience”. Mas madali itong sulatin kesa sa iba pang sulatin kaya’t ito ang madalas sulatin ng mga manunulat.
Maraming katangian ang malikhaing sanaysay, una na dito ang pagiging angkop o “flexible” nito. Pagsasabuhay at pakikipamuhay sa realidad naman ang mga katangiang nararapat na taglayin ng malikhaing sanaysay.
 Maituturing na malikhaing sanaysay ang blog o blogging dahil ang malikhaing sanaysay ay ang pagsasanib ng malikhaing katha at pag-uulat na kagaya ng paggawa ng blog. Ang paggawa ng blog ay isang pagkatha o di naman kaya’y pag-uulat. Itinuturing din na talaarawan ang blog na kung saan ang talaarawan ay isang halimbawa ng malikhaing sanaysay.