Huwebes, Marso 30, 2017

AUTOBIOGRAPHY

Ang Salamin ng AKO

   Ako si Ronalyn Q. Villacencio. Ang pangalan kong Ronalyn ay nabuo mula sa pinagsama-samang pangalan ng aking ama, ina, at tita. RO na nagmula sa ROlando, NA  na namgmula sa pangalang AnNA at LYN na nagmula sa GemaLYN.
                Labing pitong taong gulang. Ipinanganak noong Hunyo 5, 1999. Isang babaeng Pilipino.
                Ako ay may taas na 156 cm at timbang na 48 kg. Ayon sa ibang may sabi ako raw ay morena’t mataba. Ayon rin sa kanila, kapag tumingin ka sa aking mukha ay agad mapapansin ang aking ilong dahil ito daw ay “flat”
                Kung aking ilalarawan ang aking kakayahang magsagawa ng isports, masasabi kong bagsak ako rito. Hindi ako aktibo sa kahit anong isports dahil mahina ang aking katawan. Nagkaron na din isang beses na mabagal at mahina ang tibok ng puso ko, kaya’t hanggat maari ay hindi ako pinapayagang maging aktibo sa isports.
                Kaya’t wala rin akong paboritong isports, dahil lumaki akong hindi aktio sa asignaturang P.E at wala akong interes doon. Ako ngayon ay may iniinom na vitamins na ibinigay ng madalas na pinupuntahan kong doctor. Ito ay para mailayo ako sa mga sakit.
                Noong bata pa ako, ako ay nagkaroon ng sakit na Weak Lungs at Tigdas na itim. Nangyari ito noong wala pa akong isang taong gulang. Nagkaroon ako ng anim na buwang gamutan sa ospital na inabot nan g aking unang taong kaarawan.
                Dahil doon ay nagresulta ito sa madali kong pagkakaroon o madapuan ng iba’t-ibang sakit. Simula pag kabata ay hindi pa ako nasangkot sa matinding aksedente pwera na lamang sa mga pagkakadapa ko at pag gulong sa kalsada.
                Ako ay may problema din sa mata. Ako ay farsighted, Malabo ang aking paningin kapag malayo. Nagsimula ito noong ako ay nasa hayskul at lumala lamang ngayon dahil sa madalas kong hindi pagsuot ng aking salamin.
                Sa aming pamilya, bawal marinig ang salitang t*nga. Pinalaki kami n gaming magulang na may disiplina sa mga binibitawan naming salita. At isa yan sa mga ‘trait’ na maipagmamalaki kong nagmula sa’king mga magulang.
                Simula pagkabata hindi ko nakita ang mga magulang kong gumamit ng sigarilyo at kung anong pinagbabawal na gamut, pwera na lamang sa pag-inom ng alak. Siguro’y doon ko nakuha ang hindi pagsubok ng kahit anong bisyo. Hindi ako naninigarilyo, umiinom ng alak, at lalong hindi nagdadrugs.
                “Sincere ng mata mo, kung malungkot ka, masaya, takot, nagsisinungaling, kitang-kita sa mata mo”. Mula dyan masasabi kong asset ko siguro ang mata ko, ayon yan sa ilan kong kaibigan.
                Kung ilalarawan ko ang imagination ko; dalawang salita lang “wode and colorful”. Malawak gaya ng dagat. Makulay gaya ng kahon ng krayola.
                8 out of 10 para sa’kin ang common sense ko at sound judgment. Ang naging tingin ko sa buhay ko ay parang isang roller coaster, may simula, may dulo, may pababa, may pataas.
                Sa aming magkakaibigan, parehas akong dominant at submissive. Kapag minsan ako ang sumusunod at kapag minsan ako ang nasusunod. Pero mas matimbang ang pagiging submissive ko, dahil tamad akong makipagtalo. Kapag humaharap ako sa mabibigat na problema ang karaniwan at una kong ginagawa ay ang iyakan ito bago ako iisip ng kahit anong paraang para malampasan yun.
                Hindi ako marunong sumayaw, medyo marunong akong magdrawing, pero marunong akong kumanta. Ang boses ko ay papasa sa ‘pwede’ na. Yun lang ang talent o kakayahan kong kaya kong ipagmalaki. Ang pinaka ayaw kong talent ay ang pagsayaw, dahil nga sa hindi ako marunong nito at matigas ang katawan ko.
                Sa ngayon, ang marating ang Senior High ang pinaka mataas kong tagumpay. At ang lahat ng mga mali ko ang pinaka malaki kong pagkatalo. Noong una, ambisyon kong maging Architect dahil nawili ako noon sa pag guhit ng mga parte ng bahay at maging ang mga desenyo nito, naging ambisyon ko ding maging photographer kaso naisip kong baka wala akong marating kapag yun ang kinuha ko sa kolehiyo, kaya ngayon ang nasa isip kong maging ay isang ‘guro’.
                Nakakaloko man, mayroon akong mga ilusyon gaya ng maligo sa bathtub na puno ng pera at magkaroon ng kapangyarihang maging invisible at magkaroon ng kakayahang mag lucid dream  o di kaya ay makapag travel sa iba’t-ibang panaginip. Takot ako sa maraming bagay, lalo na sa ahas, saka sa pagsasalita sa harap ng madaming tao. Madali akong magalit, lalo na kapag mayroong nagsinungaling sa akin, o di kaya’y sinasaksak ako ng patalikod.
                Mahalaga para sa’kin ang aking pamilya at mga mahal sa buhay, dahil sila ang nasasandalan ko tuwing may problema ako hindi sila sumusuko sa’kin. Si God na kahit hindi ko nakikita alam kong kagaya din siya ng pamilya ko, laging nandyan. Mahalaga din para sa’kin ang kasalukuyan dahil ito ang lugar kung nasaan ako at ang mga mahal ko.
                Kung mayroon akong pinahahalagahan meron din akong hindi pinahahalagahan. Ang nakaraan, dahil ika nga mas mahalaga ang kasalukuyan at hindi na natin mababalikan ang nakaraan. Ang mga kaaway ko, o yung mga umaaway sakin. Mayroon akong virtue at vice, tumutulong ako kapag may nangangailangan at kapag kaya ko, pero ako ay madaling mapiko at ako ay mataray.
                Naniniwala akong iisa lang ang ating Diyos. At kahit kalian hindi ko gagawin na talikuran ang aking pamilya at Siya.Hindi ako masamang tao kaya’t wala akong balak pumatay at tumalon sa bangin.
Ang kalakasan ko ay ang aking pamilya, kaibigan, at mga espesyal na tao na parte ng buhay ko. Kahinaan ko naman ang sarili ko, dahil mahilig akong mag-isip ng mga negative na bagay.
                Lumaki ako sa isang kumpleto at masayang pamilya. Pamilyang humaharap ng problema’t saya. Ang aking ina ay sa bahay lang at siyang umaasikaso sa amin.  Ang aking papa ay isang karpintero.
                Ang tangi kong alam na kahinaan ng aking ama ay ang kanyang rayuma at kaming pamilya niya. Ganoon din si mama, kami ang kanyang lakas at kahinaan. Kahinaan naming ang bawat isa.
                Kung ilalarawan ko ang aking kabataan, masasabi kong isa itong playground na puno ng tawa. Naging sakitin man ako noong bata pa ako ay hindi ito naging hadlang upang maranasan ko ang ormal na nararansan ng isang bata.
                Pumapasok ako ngayon sa isang private school. Nakapasok ako dito dahil sa voucher program ng gobyerno at masasabi kong average lang akong estudyante. Ang pinakaayaw kong subject ang Math at ang pinakagusto ko ang English.
                Hindi ako kilala sa aming eskwelahan. Kahit noong ako ay nasa elementarya at hayskul pa. Hindi ako masyadong aktibo sa pagsali sa mga organization sa paaralan.
                Sino nga ba ang aking first love? Ang first love ko ay ang aking papa. Si’ya ang unang lalaking minahal ko. At hinidng hindi ito matatapos.
                Ako ngayon ay nakatira sa Green Meadows Sbd. Red-V , Lucena City kasama ang aking pamilya. Sa bahay naming ay ganu’n parin ‘pag minsan may problema, ‘pag minsan may saya.
                Madami akong kaibiganpero merong ilan sa kanila ang itinuturing kong bestfriend. Si Sarahfe at ang Team SOS. Sila ay ang mga tunay at mapagkakatiwalaan kong kaibigan
                Hobby ko ang matulog. Umuuwi ako sa bahay kapag may vacant  sa school at tumutulog lang ako. Kung hindi naman ako natutulog, ako ay paglalaro ng games sa selpon ko.
                Ang huli kong librong nabasa ay ang Montello High na paulit-ulit ko ng binabasa. Strange Magic naman ang huli kong pinanuod na movie, ang movie na’yun ay isang fantasy movie.
                Hindi ako mahilig lumabas kaya’t hindi ako pumupunta sa kung anong party pwera na lamang kung may kaugnayan ito sa school.
                Ako ngayon ay isang mag-aaral pa lamang.
                Nakatira ako sa Narra St. GMS Red-V Lucena City. Nakatira kami sa aming bahay ng higit 24 na taon. Doon na kami nakatira nang ipinanganak ang aking ate.
                Sa aming bahay ay mayroong 3 kwarto. Ito ay para sa’kin, sa pinsan ko, para sa ate ko, at para sa mama at papa ko. Mayroong living room, kusina, hapag kainan, at banyo.
                Kaunti lamang ang aming kapitbahay. Ngunit tuwing sabado at lingo ay sobrang ingay nila lalo na kapag umaga. Malinis din sila sa kanilang kapaligiran at mababait sila.
                Wala kaming binabayadang kahit ano sa lupang aming tinitirahan ngayon. Sabi ay ang lupa raw na ito ay sa pag mamayari ng Pamilyang Uy.
                Lima kaming nakatira sa bahay na iyon. Ako, si Annabel Villacencio si mama, si Rolando Villacencio si papa, si Rosabel Villacencio si ate, at si Jolina Quising ang pinsan ko na simula pagkabata ay sa’min na tumitira.
                Mayroon din kaming mga alaga na kasama sa bahay. Tatlong aso at dalawang pusa. Si Mitos, Bebe, at Sanday an gaming mga aso. Sina Pitus at Magna an gaming mga pusa.
                Ang aming bahay kung minsan malinis at kung minsan madumi. Depende ito sa kung paano maglinis ang maglilinis. Ang paborito kong parte ng bahay naming ay an gaming tulugan dahil ito ang pinakakomportableng lugar sa buong mundo.
                Kung mayroong paborito, meron din akong pinakaayaw. Yun ay ang banyo, una dahil maginaw dito at ikalwa hindi ako makakhiga para matulog.
                Mayroon akong mga gamit sa bahay na aking iniingatan. Una don ay ang aking teddy bear na itinatabi ko sa loob ng aking kwarto, mahalaga ito sa’kin dahil galing ito sa isang taong mahalaga at malapit sa’kin. Ang Diaries ko, mahalaga ito dahil madami ditong nakasulat na mga karanasan ko. Ang aking selpon, dahil ito ang pinaka kaibigan ko sa lahat.

                Tuwing pasko, bagong taon, at kapag may okasyon sa aming bahay ay napupuna ng saya ang apat na sulok n gaming tirahan dahil sa pag dating n gaming iba pang kamag-anak. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento