Huwebes, Marso 30, 2017

INTERVIEW

Rolando Pableo Villacencio
           
            Nagtatrabaho ako bilang isang karpintero, ang pinaka malayo ko palang napag tatrabahuhan ay sa Cavite at Batangas. Kapag wala namang trabaho, e nag papasada nalang ako ng tricycle. Sariling amin yung tricycle. Malaking tulong din kasi nakakadagdag sa pang araw-araw.
            
           Wala kaming masasabing permanenteng halaga ng sweldo, pag minsan kasi arawan yung pasweldo pero kalimitan ngayon pakyaw na, kinokontrata na naming bago pa lang magsimula. Wala ding permanenteng pinagtatrabahuhan, kung saan meron, dun.  Sakto lang naman ang sweldo, napagkakasya namin, pero mas lumuwag na ngayon dahil may trabaho na yung panganay ko.
            
            Ay alangan, nakakapagod talaga. Ikaw ba naman ang maghapong mabilad sa araw may minsan pa na maulan.

            Kahit naman inuulan kami pag minsan hindi ako madalas magkasakit, rayuma lang talaga ang kalaban ko . Nasanay na siguro ang katawan ko sa sakit, matagal ko na din kasi itong trabaho. Hindi pa pinapanganak yung bunso ko.

            Dalawa ang anak ko, yung isa may trabaho na, teacher sya sa isang public school at yung bunos ay nag-aaral pa.

            Napagtapos ko yung panganay sa tulong ng trabaho ko at ng mga kapatid ko. Sinuportahan nila yung anak ko, hanggang sa makapg tapos siya.


             Hindi pa ako titigil magtrabaho, bata pa naman ako. Saka na kapag maayos na ang lagay naming. Kapag ayos na. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento