Huwebes, Marso 30, 2017

HUMSS

Ang Stand Para Sayo!

Humanities and Social Sciences. Ang strand para sa mga estudyanteng gusting tumindig, magsalita, at turuan ang mga matitigas na ulong kabataan. Para sa mga mahilig gumuhit, o sa ano pa mang uri ng sining. Para sa nais maintindihan ang isang indibidwal. Para sa mga nais magsulat ng makatotohanan.
Senior High School. Dagdag  na dalawang taon sa hayskul, ngunit iba na sa pinag-aaralan noong hayskul.
Ang Senior High School raw ay para rin sa atin. Para sa maayos na trabaho at maayos na buhay sa hinaharap.
Ako ay nasa stand na HUMSS o Humanities and Social Sciences. Ito ang pinakamadaling strand sa ilan pang strand sa Senior High gaya na lamang ng STEM o Science Technology Engineering Mathematics. ABM o Accountancy and Business Management na parehong papaduguin ang utak mo sa Mathematics.
Kinuha ko ang strand na ito dahil sa aking palagay ay mas madali nga ito , at nandito rin nakapaloob ang kursong nais kong kunin sa kolehiyo.
Maraming asignatura ang HUMSS na talaga naming masusubok ang iyong kakayahan.
Gaya ng asignaturang Personal Development, Introduction to World Religion and Belief System, Creative Writng. Oral Communication, Creative Non-Fiction, Contemporary Arts, at marami pang iba.
Sa stand na Humanities ay tuturuan kang makapagsulat ng mga sulatin. At maging ang paggawa ng tesis ay aming natutunan.
Mayroon kaming ilang tesis at ginagawa naming ito sa tulong ng aming mga guro.
Ang Humaities and Social Sciences na starnd ay para sa lahat ng nais maging guro, arkitekto, kumuha ng kurong sikolohiya at iba pa, ito ay para mapaganda at mapaghandaan ang iyong career.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento