Huwebes, Marso 30, 2017

LIHAM PARA SA PANGULO


Mahal naming Pangulong Rodrigo R. Duterte,

                                         Napanuod ko po sa TV Patrol ang balitang isang alagad raw ng batas ang sangkot sa pagdukot at pagpatay sa isang dayuhang Koreano. Napanuod ko rin noong isang gabi at noon pang isang gabi ang tungkol sa iba’t-ibang patayan na nangyayari sa ating bansa, lalo na sa kamaynilaan.
                                       Hindi ko na mabilang sa aking mga daliri kung ilang beses akong nakapanuod ng balita na mayroon daw pinatay dahil sa “hinihinalang droga” na may mga karatula oang “Huwag Tularan, pusher ako”. Mapa-babae, lalaki, o matanda, pinapatay.
                                        
Alam kong pinapaigting ng ating gobyerno ang ‘War On Drugs’. Alam kong nais ng bawat isa sa atin na matigil ang paggamit ng ipinagbabawal na gamut. Nakakatuwa nga’t ang dami ng mga adik ang nagsisuko sa pulisya noong mga nakaraang buwan. Nabalitaan kong maging dito sa Lucena ay marami rin ang sumuko.
                                        Ngunit tila sumobra naman ang Extra Judicial Killings dito sa atin ngayon. Gabi-gabi sa aking pagtanaw sa tv ay may balitang pinatay. May isinasako, itinatapon sa tabi ng daan na akala mo’y patay lamang na pusa. Ang nakakapagpabagabag sa akin ay ang mga karatula sa tuwing ma napababalitang namatay. Naisip ko nga nuon, na kung sino kaya ang gumagawa ng pagpatay sa ating bansa, Siguro’y ang mga drug lords na ayaw mahuli. Pinapatay nila ang mga kumukuha sa kanila ng droga para hindi sila nito maisumbong.
                                         Minsan dito sa Lucena ay may napabalita na binaril daw ng dalawang lalaking nakamotor. Ang binaril daw ay isang dyip drayber na nakaprada lamang nuon sa bayan. Walang awa daw itong binaril at duon nagkalat ang kanyang dugo sa mismong upuan ng kanyang dyip.
                                         Kamakaylan lang din ng may nabalitaan kaming pinatay nanaman muli sa Luena. Sa Cotta raw ito namatay.
                                         Tila isang istorya na sa wattpad ang nangyayari sa ating bansa ngayon. Sana’y sa pagtatapos ng war on drugs ay tumigil narin ang EJK.

                                                                                                                                                Gumagalang,

                                                                                                                                                                Villacencio, Ronalyn Q. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento